just don't let the sun go down on me

Tuesday, April 25, 2006

first song syndrome

ito ang epekto ng gumising isang araw sa kanta ni nikki gil na if i keep my heart out of sight. paulit-ulit na siya ngayon sa playlist ko for two days straight. ayus eh, nung nagising ako, sabi ko, ang ganda ng boses ah. sino yan? si nikki gil pala. wow, astig. ayos. maganda naman pala boses niya. eh yung song din naman ay maganda rin. revival ng isang james taylor original. kaya nagustuahn ko rin. dahil familiar ang lyrics.

kung noong holy week ay mga kanta ni kelly clarkson ang pinakikinggan ko, shet, ngayon itong kanta lang na ito. grabe. adik kung adik. hehehe.

If I Keep My Heart Out Of Sight

If I keep on talking now
I'll only start repeating myself
And all I can say is
I love you
I love you
I love you
I love you

If I slip and tip my hand
I'm certain to scare you away
Then what would I say
I'd be hurting I'm certain
I'd be uncool to let you know that you're the one
The fool who jumped the gun

'Cause I've been advised by other guys
You've left behind
Your goodbyes are somewhat unrefined
But if I play my role just right
Tonight could be my lucky night
And you could be mine

If I present it to you
With a flower in the moonlight
Shiny and new
Well, you couldn't say no tonight
If I keep my heart out of sight

If I play my role just right
Then tonight could be my lucky night
And you could be mine

If I present it to you
With a flower in the moonlight
Oh, shiny and new
Well, you couldn't say no tonight
If I keep my heart out of sight

Monday, April 24, 2006

mga hari at reyna ng sablay

Congratulations!!!










Sunday, April 23, 2006

oh boy kuya boy!

boyohboyohboyohboy!

this, so far and how i wish would ultimately be, is the best part of them all... CASTING!

c'mon mehn! never in my life i thought this experience would come early. today, we had the final casting call for our tvc. my eyes were really glued on the vtr screen (yeah, yeah, and would also glance at the models unergoing the go-see, ofcourse). hohwell. how i wish i could make you girls and guys envy me more, but i can't. i can't speak of anything in detail. darn the confidentiality rule. ohwellohwellohwell. but ohboyohboyohboy! i felt like i was straight, not, and everything in between all at the same time today. literally. god, those creatures! how could they all be so0000 damn hawt??? oh well, i am fully satisfied with all the talents we chose for the tvc. really really looking forward to monday, hoping i could get pictures with them. woohoo!

oh and, i just couldn't tell the name (drat!), but one of our friends almost made it to the final call. i was surprised during the client interlock last friday night, to see the vtr of our friend who apparently attended the first casting call and our friend got good comments from the client. i know that our friend was included in the shortlist for the final casting call, but our friend was a no show this afternoon. i dunno why. sayang!

just to end this post, i wanna share that i had another lkg tower experience today. wala lang. i just love that building for no logical reason. i just think it's one well designed building, that's all. so anyay, i was sent there to get the product which will be used in the tvc. i was alone inside the high-tech posh elevator and I-T-W-A-S-O-N-E-T-H-R-I-L-L-R-I-D-E-! it zoomed up and i felt as if i left my soul in the ground floor and when i had to go down, it was more of an Enchanted Kingdom SpaceShuttle than the way up. When I reached ground floor and the doors opened, i was so nanghihina, i could barely open my eyes and carry myself. i turned around the corner and a lady guard saw me. assisted me and let me sit on her chair. i almost passed out. she was wiping cold sweat off me as i just felt like a big slump on that chair. it wasn't that embarrassing because it was a saturday afternoon, so there are barely many people at the lobby. super thanks to super lady guard, darn, i forgot to ask her name. so after a few minutes, i felt ok at went to the toilet. ohboy, i love their toilet flush! as in! it's a toilet flush like no other! i've never seen any toilet that flushes that powerful. It was like tsunami inside the toilet! I swear, ganun talaga kalakas yung flush. no kidding and no sarcasm. and i love it! i'll go back there and make poopy, the best place for that!

Friday, April 21, 2006

break lang

wo wo wo! na-miss ko rin ang Internet. oops, break nga lang pala ito. kaya dadalian ko lang.

ASSS (A Starbucks Story Sequel)
Oo, may sequel ang ASS. pero tinamad na akong itayp. nananatili siyang draft at unpublished sa blog na ito. Ohwell, habang tumatagal ay nawawala na ang catch niya kaya parang nakakatamad na ring i-post. Pero sige, baka sa isang araw na lang.

SUMMER LOVIN'
Wala lang. I love this season this year. Excited na ako sa Galeraaaaaaaa. Icaaaaaaang! hehehe.

INTERNSHIP
wo! first day ko kanina sa Film Experts Inc. (Filmex), at naka-10 hours na kagad ako. wala lang. gumawa lang ng storyboard at nag-observe sa meeting with the ad agency sa lkg towerrrrrr. camonst. my favorite building in makati. as in promise! i love lkg tower talaga. at dahil sa internship na to ay first time kong makapasok dito. hahahaha! grabe, swear, the elevator parang bunjee jumping experience!

ayon. yun lang ang pwede kong ikwento about sa internship ko. dahil may confidentiality na nagaganap. bawal mag-squeal sa ginagawa naming tv commercial dahil siyempre, maliit lang ang industriya. baka malaman ng kalaban ng client ang tvc na ginagawa... hehehe. basta. na-eexcite na rin ako sa shoot nito on monday! whoohoo! mami-meet ko na rin sa wakas si *toot* grabe, dati-rati kamukha niya lang ang nakaka-bond ko. ngayon, it's the real *toot* na! hehehe.

hayyy. monday's the day. pero tomorrow, pre-prod ulet. hahaha.

Friday, April 14, 2006

ASS (A Starbucks Story)

wow. kumusta naman daw? nawiwindangerz naman ako sa aking ina.

ang plano ay ihahatid lang ang aking kapatid sa pinagtatrabahuhang call center sa makati at pagkatapos ay uuwi na. at dahil male-late na ang aking kapatid sa alas-nuebeng pasok ay hindi na lang muna ako kumain ng ulam na pinaghirapan kong lutuin at tunay na pinasarap. chos!

kaya naman harurot sa napakaluwag na SLEX at limang minuto bago mag-alas-nuebe ay nakarating din kami sa gusaling destinasyon. pagkababa ng aking kapatid, sabay tanong ng ina, "Meks, pwede ba kitang maimbitahang mag-date?"

so kumusta naman daw? bilang nakapambahay lang, ako ay tumanggi. pabiro ko pang sinabing, "Umm, I already have an appointment for tonight with my bed."

ngunit! ngunit! ngunit! hirit ng ina, "Naman 'to oh! Gusto ko lang talaga ng eclair sa Starbucks. Please?"

so mega nagsinungaling pa ko na, "Ma, naman, butas-butas pa tong t-shirt ko."

ina: "Eh ano! Uso naman yan ngayon. San ba yung butas?"

ako: "Eh...!!!"

ina: "Edi dun ka na lang sa labas tas sa loob ako."

ako: "Nge! Yoko nga. Baka mamya may magbigay pa sa'kin ng piso. 'Wag na lang kasi. Next time na lang talaga."

ina: "Eh gusto ko ngayon na. Ok lang yan. Wala naman sa damit yan. NASA ATTITUDE."

so wow! kumusta naman! nawindang naman daw ako sa hirit na yun. natahimik na lang ako at nagsisimula nang magpalakas ng loob. buti na lang talaga, pag-dating namin sa Starbucks Magallanes ay dalawang mag-asawa lang ang customers. kaya naman hindi ako masyadong nahiya na kahit naka-plain white shirt at SHORT shorts lang ako, habang si inay ay naka-japorms. (halatang, pinaghandaan na magsastarbucks pa talaga kami)

feel at home talaga ako ngunit simula nang magsi-datingan ang mga customers hanggang sa literal talagang napuno ang Starbucks Magallanes! KUMUSTA NAMANNNN!

hay. keber na lang. at inalala ang sinabing NASA ATTITUDE lang yan. nagbasa na lang ako ng kung anu-anong magasin habang nakaexpose ang mga hita ko nang isang oras at kalahati sa lamig ng hangin. pampadagdag lakas ng loob na lang din na iniisip kong hindi naman nila ako kilala kaya ayos lang. kaunti lang din naman siguro ang probability na mayroong sa kanilang nakanuod ng myx live (uy, plugging!) kagabi at mamukhaan nila ako! isang kahibangan na lamang na pagiisip ito.

maayos at matiwasay din naman kaming umalis sa kapehan at pagkasakay ng kotse ay nagpasalamat ang aking ina sa akin. so kumusta naman daw? keri lang naman. hindi naman ako napagkamalang lost. ayos lang din, at nakastarbuko ulet ako nakaraan ang medyo mahaba-habang panahon. salamat din naman sa iyo aking ina. sana lang hindi na rin maulit na naka skimpy shorts ako pagyayayaing magstarbuko. =P

Thursday, April 13, 2006

can i just melt?

grabe sa initi ah. hindi ko lang sure kung ako lang nakakaramdam nito ah. hehehe. grabe, nakakamanhid sa init ang panahon at ang masasabi ko lang ay...

CAN I JUST MELT?

wala lang, naalala ko lang, bacon mushroom melt pala kinain ni Ayn sa jabi last tuesday. walalung. para lang may konek sa can i just melt baconmushroommelt. hehehe.

ayan, by now, siguro narirealize mo na na walang sense ang post na ito at puro CAN I JUST MELT lang ang pinagsasasabi ko. kasi naman so0o0obra sa over-OA ang pagka-exagg ng init. eh buti sana kung nasa beach ako. but no! nasa maynila ako. en pordat, CAN I JUST MELT?

i was watching Alias and my favorite CSI, CSI:NY the other night and can i just say, CAN I JUST MELT? grabe. ang hot ni Danny Messer known as Carmine Giovinazzo (hmm, did i get the surname right?) in real life. hey Dimples! peram na ng season 2 ng Aliasssssss. grabe na yung ngayon lang ulet ako nakapanuod ng episode ng Alias at spoiler na namatay na pala nanay ni Sydney. at nakabalik nanaman si Sloane sa kanila Sydney. at nasan na yung bestfriend niyang guy? gosh. hehehe.

oh my. eto ang storyang walang kasing nakaka-ewan. kumusta naman daw yung one hour and 30 minutes na nakapila para magbayad sa grocery kagabi??? CAN I JUST MELT talaga sa paghintay. andami-daming tao sa SM Bicutan nakakabaliw talaga.

CAN I JUST MELT naman sa kakatawa? after maimpluwensiyahan kela Ayn, Leoray, at Vince sa Monty Python, hindi na ko nakahintay makuha ang dibidi mula ke Leoray at nagdownload na ko ng video clips. kmusta naman? CAN I JUST MELT talaga sa kakatawa!!! astig. nakakatawa talaga to the nth level! try nyo rin panuorin Monty Python. swear. laughtrip sobra.

wow, heto pa. CAN I JUST MELT hot pics. hehehe. ooohlalala!

grabe, gusto ko nang mag-beach. sana before ako tuluyang matunaw ngayong summer, makapag-beach man lang sana. kelang at saan kayaaaaaaaaaa? hayyy for the meantime, maglulublob na muna ko sa kiddie pool namin. haha. how i wish. wala palang tubig dito sa parañaque. aha! dalhin ko na lang sa apartment next week. o, sino gusto malunod sa kiddie pool? tara! tara! next week, punta kayo sa apartment! hehehe. and let's all melt. wheeeeeeeee!

Sunday, April 02, 2006

just a spoonful

masasabi kong filmmaker na rin ako sa wakas.

grabe na yung first time kong gumawa ng short film na masasabi kong akin talaga. grabe na talaga yung para akong nadevirginize ng buong barangay. grabe talaga. ayan na naman, napapa-grabespeech na ako.

hay ang sarap-sarap talaga ng feeling. favorite part ko na ang directing at editing. cinematog? hmm... konting panahon pa. hehehe.

nakakalunkot at nakakadisappoint nga lang na hindi namin siya natapos 100%. bilang kulang ang obb at cbb na favorite parts ko rin, kaya't instead na naiproject siya sa screen, sa premier pro preview lang napanuod ni sir lino lino lino cayetano. hayyy.

pero ayos lang. na-achieve naman namin kahit papano yung vision ko for the film. aayusin nalang namin ng aking mastereditor (papuri papuri ginoong valencia) ang kulang pang cbb at para maitransfer na into dvd format. *excited*

isang magandang simula ito sa akin bilang filmmaker at bilang isang tao. maraming natutunan at nakilalang mga bagong kaibigan. at dahil sa mga ito, sobra sobra sa grabe ang pasasalamat ko.