just don't let the sun go down on me

Friday, April 14, 2006

ASS (A Starbucks Story)

wow. kumusta naman daw? nawiwindangerz naman ako sa aking ina.

ang plano ay ihahatid lang ang aking kapatid sa pinagtatrabahuhang call center sa makati at pagkatapos ay uuwi na. at dahil male-late na ang aking kapatid sa alas-nuebeng pasok ay hindi na lang muna ako kumain ng ulam na pinaghirapan kong lutuin at tunay na pinasarap. chos!

kaya naman harurot sa napakaluwag na SLEX at limang minuto bago mag-alas-nuebe ay nakarating din kami sa gusaling destinasyon. pagkababa ng aking kapatid, sabay tanong ng ina, "Meks, pwede ba kitang maimbitahang mag-date?"

so kumusta naman daw? bilang nakapambahay lang, ako ay tumanggi. pabiro ko pang sinabing, "Umm, I already have an appointment for tonight with my bed."

ngunit! ngunit! ngunit! hirit ng ina, "Naman 'to oh! Gusto ko lang talaga ng eclair sa Starbucks. Please?"

so mega nagsinungaling pa ko na, "Ma, naman, butas-butas pa tong t-shirt ko."

ina: "Eh ano! Uso naman yan ngayon. San ba yung butas?"

ako: "Eh...!!!"

ina: "Edi dun ka na lang sa labas tas sa loob ako."

ako: "Nge! Yoko nga. Baka mamya may magbigay pa sa'kin ng piso. 'Wag na lang kasi. Next time na lang talaga."

ina: "Eh gusto ko ngayon na. Ok lang yan. Wala naman sa damit yan. NASA ATTITUDE."

so wow! kumusta naman! nawindang naman daw ako sa hirit na yun. natahimik na lang ako at nagsisimula nang magpalakas ng loob. buti na lang talaga, pag-dating namin sa Starbucks Magallanes ay dalawang mag-asawa lang ang customers. kaya naman hindi ako masyadong nahiya na kahit naka-plain white shirt at SHORT shorts lang ako, habang si inay ay naka-japorms. (halatang, pinaghandaan na magsastarbucks pa talaga kami)

feel at home talaga ako ngunit simula nang magsi-datingan ang mga customers hanggang sa literal talagang napuno ang Starbucks Magallanes! KUMUSTA NAMANNNN!

hay. keber na lang. at inalala ang sinabing NASA ATTITUDE lang yan. nagbasa na lang ako ng kung anu-anong magasin habang nakaexpose ang mga hita ko nang isang oras at kalahati sa lamig ng hangin. pampadagdag lakas ng loob na lang din na iniisip kong hindi naman nila ako kilala kaya ayos lang. kaunti lang din naman siguro ang probability na mayroong sa kanilang nakanuod ng myx live (uy, plugging!) kagabi at mamukhaan nila ako! isang kahibangan na lamang na pagiisip ito.

maayos at matiwasay din naman kaming umalis sa kapehan at pagkasakay ng kotse ay nagpasalamat ang aking ina sa akin. so kumusta naman daw? keri lang naman. hindi naman ako napagkamalang lost. ayos lang din, at nakastarbuko ulet ako nakaraan ang medyo mahaba-habang panahon. salamat din naman sa iyo aking ina. sana lang hindi na rin maulit na naka skimpy shorts ako pagyayayaing magstarbuko. =P

0 Comments:

Post a Comment

<< Home