just don't let the sun go down on me

Wednesday, March 29, 2006

sweet silver

memories of last march 18, 2005... my parents' 25th wedding anniversary... batulao, tagaytay city...

kagwapo't kagandang mga pinsan

was like this twentyfive years ago

mila wear this ring as i sign of my love...

ganda ng lolah mo noh???

sige nga, sabihin nyong hindi ako ampon! ahehehe =P

Wednesday, March 22, 2006

Nasaan Ang Tahanan Ko?

Ang tahanan ko ay isang masayang lugar.
Binubuo ito ng mga táong malugod kong tinanggap.
Tinanggap. Pinagkatiwalaan. Minahal.

Ang tahanan ko ay itinayo tatlong taon na ang nakalipas.
Pinaganda naman ito sa nakaraang dalawa.
Nagkabuhay. Nagkakulay. Nagkaroon ng halaga.

Ang tahanan ko ay wala sa aking bahay.
Bisita lamang ang mga magulang at kapatid.
Wala sa timog. Wala sa paupahang silid. Wala sa dugo.

Ang tahanan ko ngayo'y unti-unting naglalaho.
Pilit kong hinahanap ngunit tumaas na ang bakod.
Kinandado. Inilayó. Itinago.

Nasaan na ang tahanan ko?
Kung saan nabuhay at natagpuan ang sarili.
Pinupuntahan. Inuuwian. Binabalik-balikan.

Ito ang sakit na aking nararamdaman.
Gaya ng maraming walang nasisilungan.
Naiinitan. Nalalamigan. Nag-iisa.

Nasaan ang tahanan ko?
Tanong na palaboy na ako.
Nasaan?

Monday, March 20, 2006

hoy panget

nakakapangit talaga.

i want to give up. and escape from it all... again.
pero sabi ni Trish, you already gave up your number one dream, don't do it this time.
may tama siya. pero may tama din naman ako. but i just can't make my reason well enough.
at nakakapangit na.

nakakapangit Ka. grabe ang mga statements, ah. isang malaking whatever na lang para sa Iyo. grabe. grabe talaga as in to death. anong motibo Mo, ha? grabe Ka. ganyan Ka pala ah. buti na lang talaga, tama ginawa ko. the action was mutual, don't worry. pero grabe Ka talaga. di ko inakalang capable Ka. grabe. grabe as in "grabe" lang ang masabi ko right now. hatching an unlaid egg! grabe, nakakapangit Ka!

Kayo rin, nakakapangit. nadidisappoint ako right now. siguro it was always right infront of my face pero i avoided it. i thought i found what i was looking for. but You gave me reasons not to believe anymore. kakasabi ko pa lang kay Kate the other week, it has always been hard for me to get out of my comfort zone. pero bwakanangshet, madali na lang pala para sa akin gawin yun ngayon. grabe, don't You push me too far, literally. alam Nyo kung gano kayo kaimportante sa akin. SANA ALAM NYO YUN. number 1 Kayo sa akin. nagtitiwala ako sa Inyo. alam Nyo yan. pero bat ganun? lately pinapadama Nyo sa akin na wala akong kwenta sa Inyo. shit! alam nyo ba kung gano kasakit to sa akin? shit talaga. nasasaktan ako. hindi Nyo man lang ako iniimbitahan sa mga kerminess in life. sa mga bagay-bagay, i'm always the last to know, swertihan pa nga if i do, kasi marami na rin pala akong hindi alam. sabi ko tuloy sa isang kaibigan, siguro kung kami-kami ang magkakasama sa loob ng Big Borther House, kahit nandun ako o evicted na, keber lang Sila. grabe, hindi ako si Invisible Man. sorry, masyado bang malaki hinihingi ko sa Inyo? shucks, sorry talaga kung nagmamalabis na ako. Kayo lang naman ang gusto kong kasama lagi, kasi natagpuan ko ang tunay kong sarili sa inyo. Pero bakit ganun, balewala lang ata sa Inyo. nakakapangit to, sobra. ayoko nang magdrama. mas nakakapangit to.

hayyy, isa Ka pa, nakakapangit din. ang hirap Mong ispellingin. ano ba talaga nararamdaman Mo? kasi namamanhid na ako na parang ewan. i don't want to get used to this empty feeling. ipagpapatuloy ko na lang ang paghanap sa Iyo sa dictionary.

i'm so much twisted right now. grabe, parang hindi ko na kilala sarili ko. pagoda na ako sa lahat. nakakapagod mag-isip. at nakakapangit na talaga.

Thursday, March 02, 2006

and so i forced myself to blog

it's march 2. andami nang hindi naikwento ng nagtatamad-tamaran at nagbibusy-busyhang ako.

pero wait lang...

nagwawander ang utak ko right now. to somewhere else. shet.

so tanong ng kachat ko, "ano isip mo? may prob ka ba?"

sagot ko naman, "hindi naman prob. mga bagay na dapat gawin, bagay ni di na magagawa, at iba pang mga bagay-bagay"

at sagot naman siya ng, "magandang pagusapan yan. kung gusto mo. hehehe"

sabay, hindi na ako nagreply kagad at binablog ko ang aming paguusap.

hohwell, ito na. kelangan ko nang ilabas ang mga ito. tagal ko nang isinasaloob ang mga pangyayari sa buhay kong sabi nga ng eraserheads ay parang "field trip sa may pagawaan ng lapis... isang mahabang pilang mabagal at walang katuturan".

CURRENTLY...
frustrated ako. wala lang. ay hindi naman talaga "wala lang" in the sense na wala lang talaga. ayoko lang muna sabihin kung bakit ako frustrated kasi malamang mabasa ito ng (((oops. i erased what i've typed. sorry. di ito ang tamang panahon at paraan para sabihin...))). basta. nakakafrustrate.

to those who care for me, it's time to comfort me. parang ako si gloria right now, i need to confirm your allegiance. hehehe.

SOME HOURS AGO...
the best episode ever ng pinoy big brother celebrity challenge. rustom gained my respect. keana gained my admiration. i want keana to be my friend. sobra. parang tunay. parang sincere. sana dumami yung mga ganung klase ng tao na hindi hypocrites. yung marunong umintindi. yung pag-intindi na tunay at walang kundisyon.

MARCH 1 AFTERNOON...
tambay galore lang sa Starbucks Katips with Meggy, LA, and Jorge. tang ina. kinain ng atm machine ang card ng tatay ko dahil mali-mali pin # na binigay niya sakin. pordat, wala akong pera. buti may free drink coupon pa ko. kunwari, tinreat ko si LA. isa pang tang ina. isang realization ang ipinamulat sa akin ng tatlong ito. oh well, kung ganun nga, ewan sa kung anong gagawin ko. bakit Siya kelangang ganun? hay. daanin na lang sa muna sa yoka galore.

FEB 28 EVENING...
Elevate 6 sa UP Theater. astig sobra. better than last year. it's just that chaka kung chaka talaga ang opening sequence. walang panahon sa haba. kumusta naman yung storyline? ang haba to death talaga. pordat, tulog muna ako. ginising na lang ako ni Asta nung second dance sequence na. and from then until the end, hangganda-ganda.

pero siyempre ang highlight ng gabi, para sa akin, ay si LA. grabe, naamaze ako to the maximum level. di ko akalaing magagawa ni LA ang mga ginawa niya sa entablado. grabe talaga. may tinatagong talento pala ito sa pagsasayaw. hayy. and for that, i crush you. mwahahaha. lagot ka sa akin. i will harass you to death!

tas biglang, poof! tapos na pala ang favorite month ko of the year. hindi ko man lang na-celebrate. shet. big thing to sakin. kelangang i-celebrate ang month na ito. pero shet, wala naman akong pera at march two na. bigyan ko na lang ng space sa blog ko ang mga espesyal na pangyayari si buwan na ito. espesyal meaning hindi lang magandang bagay kundi pati na rin yung mga hindi maganda basta naging importante sa akin...

1. Hans

2. L.A.

3. Dimples

4. UP Circle of Entrepreneurs

5. UP Fair '06

6. Valentine's Day '06

7. Watching sunrise with dearest friends on my birthday.

8. UPCE Talents Night

9. Alone and lonely at Katipunan few hours before my birthday ends.

10. Elevate 6

ngayon, hindi ko na alam kung itutuloy ko pa tong post na ito. higit isang oras ko na palang tinatype ito. pagod na ako, at nakalimutan ko nanaman ang iba pang mga lumipas na kyeme. gumaan na din ang feeling ko. kasi nailabas ko na ang ilang, kahit papano.

sige, hanggang dito na lang muna.

ang fragile-fragile ko ngayon. ang-sensitive ko rin. ang-vulnerable at ang-pathetic din.

bahala na kung anong mangyayari sa akin. hindi ko na muna lalabanan ang mga waves. go with the flow na lang muna. kapagod na eh.

sana nabasa Mo to.