Nasaan Ang Tahanan Ko?
Ang tahanan ko ay isang masayang lugar.
Binubuo ito ng mga táong malugod kong tinanggap.
Tinanggap. Pinagkatiwalaan. Minahal.
Ang tahanan ko ay itinayo tatlong taon na ang nakalipas.
Pinaganda naman ito sa nakaraang dalawa.
Nagkabuhay. Nagkakulay. Nagkaroon ng halaga.
Ang tahanan ko ay wala sa aking bahay.
Bisita lamang ang mga magulang at kapatid.
Wala sa timog. Wala sa paupahang silid. Wala sa dugo.
Ang tahanan ko ngayo'y unti-unting naglalaho.
Pilit kong hinahanap ngunit tumaas na ang bakod.
Kinandado. Inilayó. Itinago.
Nasaan na ang tahanan ko?
Kung saan nabuhay at natagpuan ang sarili.
Pinupuntahan. Inuuwian. Binabalik-balikan.
Ito ang sakit na aking nararamdaman.
Gaya ng maraming walang nasisilungan.
Naiinitan. Nalalamigan. Nag-iisa.
Nasaan ang tahanan ko?
Tanong na palaboy na ako.
Nasaan?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home