just don't let the sun go down on me

Friday, January 20, 2006

di na sanay

for the first time in n months, kanina lang ulit ako nag-exam. hindi dahil sa hindi ako nagte-take ng exam last sem kundi bilang puro production subjects ako last sem ay wala talagang written o oral exam na naganap.

kaya naman hindi na ako sanay mag-exam. as in. kumusta naman yung nagrereview ako kagabi with trisha and joan sa sbc katips. hindi na rin ako sanay magreview! nagbabasa lang ako ng mga court cases at parang sige, so what's the point??? pero in fairness to me, nageffort naman akong imemorize ang definition ng constitution according to justice cooley at ang section 3 article 4 ng bill of rights which is the free speech clause. hehehe.

umuwi kami ng 2am at nagising ako ng 9am. marami pa kong court cases na hindi nareview kaya ipinagsa-bathala ko na lang ang exam na ito sa mass media law. pagdating ko ng 10am sa cmc ay wala pa si mam lambino. kermi lang, konting review-review pa. pero na-realize ko rin na gusto ko nang mag-exam, just to get it over with. so ayun, first question, nawindang ako, what's your religion? it took me around 5 minutes para mag-isip. ang hirap ng tanong. i swear. pero bilang bonus question siya, sinagot ko na lang, roman catholic. hehehe.

ayoko nang isipin talaga kung i did well or not sa exam. dahil hindi na talaga ako sanay mag-exam. so malamang, i did not do well. hehehe. pero ayos lang. kung minsan ay kailangan din ng mga exam-exam to put balance in life. hehehe. hanggang sa finals exam sa comm120. hayyy i so hate comm subjects. hehehe.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home