and so this was christmas
officially, christmas has ended an hour ago. pero sabi nga nila, dito daw sa pilipinas ang pinakamahabang celebration ng christmas. and so i began to think about that statement. sa hirap kaya ng buhay ngayon, mahaba pa rin ba ang celebration ng paskong pinoy? malamang first week pa lang ng january, kaunti na lang ang magpapailaw ng mga christmas lights sa mga bahay-bahay. malamang balik kurakot nanaman mga pulitiko para may maipangbigay next christmas. malamang dadami nanaman mga nagugutom. malamang.
hay pero bago pa ako manghula ng mga obvious namang mangyayari, isheshare ko muna sa inyo kung pano ko sinelebrate ang nagdaang araw...
anyway, as the title suggests, and so this was christmas:
maaganf noche buena with mother side's family last 24 sa paco, manila. it was more of nagdinner lang. pero masaya. kyut kasi ng mga pinsan ko. at ang kukulet. at masarap ang food! yummy ever!
at 10pm, uwian na. pero hinatid muna namin si kuya sa ortigas bilang may work pa siya. first time na meron saming 4 (papa, mama, kuya, ako) na may trabaho ng christmas eve.
muntik na igreet ang christmas day sa starbucks magallanes pero sarado pala sila nung mga 11pm. kaya derecho uwi na tlaga. at libre ang toll sa slex.
first time ko ring maranasan ang online pag patak ng 12mn. hehe.
2 hours later, i had to log out. i had to sleep but i couldn't. grabe na yung antaas ng energy level ko. so better ilabas ito sa pamamagitan ng pakikinig ng party music sa mp3 player. instant dance floor ang kwarto ko.
7am ginising ako. may christmas service at 9am sa church ni papa sa manila. he's protestant at super once in a blue moon lang kami pumunta nila mama at kuya dun bilang mga mapanghiwalay sa relihiyon at piniling maging katoliko. 12noon na natapos ang christmas service. masaya naman dahil siyempre kelangan mong makipagmingle talaga sa mga nandun bilang protestant church siya. so keber na muna sa pagiging agnostic ko. naenjoy ko naman siya.
bilang lunchtime na at hindi nakapagbreakfast, pahirapan makahanap ng bukas na resto so whynot umabot kami ng u.n. ave sa may manila doctors from the church sa malacaƱang area. enjoy naman ang japanese resto na tempura chorva ang pangalan. bloated sa seafood curry na talaga namang gumuguhit sa nostrils ang pagiging spicy! camonst at kailangang tiisin dahil di pwede yumoka.
flyzoom naman kami sa starbucks sa blue wave. sa wakas natuloy din ang naudlot kagabi na starbucking. can i just say, ang ganda ng atmosphere ng maynila kaninang lunchtime??? everything's calm. light traffic. sunny. shet, my ideal manila. reminds me of bohemianish manila. anyway, ayun. dessert to the max with cheescake etc at creme brulee frap. yumee ever talaga pag hindi ko pera ang pinapangbayad! hehehe. pag pasko pala, mabenta pa rin mga kainan sa metro. dami kasi tao sa blue wave. parang hindi pasko. hehe.
6pm, nasobrahan ata ako sa pagkabanal. nagsimba naman kaming 3 lang ni mama at kuya sa catholic church malapit sa bahay. and mama forced me to have communion which i never did in years na. so ayun. sige pagbigyan ko na lang. pasko naman. hehe. supposed to go to sm bicutan and watch an mmff film pero nagkatamaran. had christmas dinner sa bahay. the four of us. kumpleto. it was nice. a sour red wine to end it.
first time to na on christmas day, nasa manila kami. yearly kasi umuuwi kami ng laguna ng christmas day. but this time, ngayong 26 pa lang kami uuwi dun at uuwi din kagad ng paraƱaque ng gabi. weird. dadalaw lang talaga para mag-mano. hehehe.
###
weird talaga. but i think this christmas is one of the best ever. simple lang. always just the four of us. walang gifts. walang aginaldo. kainan lang. ayus na. better than last year. and the previous years.
a lot changed. and how i love them. eto na siguro umpisa ng mga kakaiba pang pasko ahead of me and us. i look forward to them.
and with this, my christmas mode ends.
new year naman!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home