just don't let the sun go down on me

Thursday, January 19, 2006

blogable days back-to-back-to-back

sabi nga ni jhul last tuesday, whatta bloggable day!

bloggable day ang nagdaang tuesday dahil sa libreng dinner ni myk sa friuli's at sa naganap na heart to heart talk na sa haba ay feeling namin nila myk, jhul, at apol ay nilugi namin ang friuli's. hehe. salamat mga kaibigan sa tiwala!

bloggable day din ang wednesday. ito ang araw na di ko makakalimutan dahil ito ang araw na first time kong nakita fez to fez ang isa sa top 8 most influential men ng buhay ko... si papa pioloooo! corny na kung corny pero i'm sorry, sinasamba ko talaga tong taong to. nagshoot sila ng short film ng isang fine arts prof sa damuhan sa likod ng nismed. at isa si piolo sa lead actors. isa siyang katipunero sa storya. kahit na balot na balot siya sa costume niyang suot, ubod pa rin siya ng hot. as in. sobrang na-starstruck ako na hindi ko na naisipang magpakuha ng litrato o autograph man lang. yuck kasi, nakakahiya rin. hehehe. kaya etong picture na lang ni kriz ang ipopost ko dito:


bloggable day din naman ang thursday. to complete my 3 consecutive bloggable days. basta, kung bakit man bloggable ang thursday, kami kami na lang ang nakakaalam. hehehe.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home