just don't let the sun go down on me

Sunday, January 29, 2006

thesis mode

eto na yung part ng sem kung saan masusubukan ang pagka-Cineaste ko.

almost sampu sa aking mga orgmates ang gagawa ng kani-kanilang mga short film bilang thesis. kaya naman times ten ang hagard level naming mga tutulong sa kanila.

at ito ang ilan sa mga graduating Cineastes na naglakas-loob na isama ako sa crew nila:

1. REY
ang mahiwagang musical short film ni rey ay tungkol sa isang narcissist na binatang naging star dancer sa isang gay bar. mapusok at matapang ang short film na ito. at dahil sa taas ng kilay ng short film na ito ay hanggang ngayon ay di pa tapos ang script. ako ang production manager at last thursday ay nag-occular inspection kami sa gay bar na pagshooshootan. chaka siya kung chaka. pero di bale, dadaanin na lang sa pd. matapos ay bumalik sa up at over dinner ay pinagusapan namin kung paano tatapusin ang script. two shooting days: feb. 19 & 26. excited na ako.

2. TEY
Ang Pagpili ni Pina ang title ng isa nanamang mapusok at matapang na short film na ito. ako naman ang production design coordinator. at dahil din sa akin kung bakit hindi natuloy ang costume fitting last thursday. nakalimutan kong ipa-sched kay Mother Lily (hindi yung taga-Regal) ang fitting kaya namove ito ng next monday. last monday naman ay nag-field trip kami around the metro para mag-location hunting. napadpad kami sa intramuros dahil kelangan ni tey ng old spanish architectural house. habang nagsa-side trip sa manila cathedral ay may na-spotan kaming hot foreigner na tunay talagang may humps.. may humps.. may humps... check it out! meron ding kinakasal nung time na yun. magsastart pa lang kaya nasa-labas pa lang sila ng simbahan. at napansin naming hindi ordinaryong kasal ito dahil mukhang either yung groom or bride ay ang mayaman at ang mahirap. swear! yung isang side ay parang mga jologs na sinuotan ng coat & tie at gown. habang yung isang side ng family naman ay mga chinoy at mestisahin. anyway, so last friday naman, location hunt ulet sa marikina naman. at sa simbahang malapit ay may kinakasal nanaman. pero ang highlight ng location hunt na yun ay nang may nakita kaming kambal na matandang babae. as in lolang twin! parehong suot, may salmain, at kuulay ng buhok! ang cute nila swear!

3. MIMI & ASTA
isang babaeng may dual personality naman ang konsepto ng mag-bestfriend na ito. at kahapon nga, saturday ay naganap na ang kanilang one-day shoot. from 6am to 11.30pm camonst. take that. ang trabaho ko naman ay assistant production designer. pd nanaman. hayyy. masaya ang shoot nila mimi at asta. kakaiba dahil walang tensyon di tulad ng sa ibang mga thesis shoots. maliban na nga lang nung mga last 2 hours ng shoot kung kelan lahat ay ngarag na talaga at gustong gustong matapos na ang shoot. habang break time ay wala naman kaming ginaaw kundi mag-camwhore. kaya't ubos ang memory at bat ng digicam ni jhul. masaya talaga siya dahil ang hot ng artista nila mimi. sabi nga ni jhul. congrats sa inyong dalawa! galingan sa post-prod!



4. ES DIMEN
i have the same job at same shooting day sa thesis ni es at ni jerwin kela mimi at asta. at dahil naka-pirma ako ng kontrata with mimi & asta, ay sa kanila ako ng prod design. sabi ni es, sa post-prod na lang daw ako tumulong sa kanila. well, sige, at least, naiba naman ang gawain ko.

5. SHEENA
balita ko, comedy daw ang thesis niya. kaya naman last friday, sa Destino 4, ay pinpilit ko siyang isama niya ako sa thesis niya. kahit walang food! hehehe. basta, gusto kong tumulong sa shoot.

6. TEZ
at dahil one-shooting day lang si tez at magkakasabay pa with rey, tinanggal na niya ako sa crew list niya bilang prod design nanaman. sabi ko, post-prod ako, pero sabi niya, siya lang daw mag-eedit. nakakalungkot. hayyy. moral support na lang ako. =)

masaya ang tumulong sa mga thesis shoot na ito. aside sa nagagampanan ko ang mga responsibilities bilang Cineaste, nakakapag-bond din with them. at natututo din ako ng mga tricks of the trade. hehe. tamang-tama mapaghahandaan din ang sarili kong thesis na matagal-tagal pa rin naman. hehehe.

goodluck sa inyong lahat! hanggang sa thesis defense! go go Cineastes!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home