week-long party mode
can i just say na dahil sa nagdaang linggo ay feel na feel ko na ang pasko?!?!?!
gabi-gabing nasa party kaya naman kung hindi late sa class kinabukasan ay hindi na nga nakapasok. hehe.
super fun the week that was. blast kung blast. at ahem gastos kung gastos! pero kermi lang. sabi nga nila, isang beses lang sa isang taon ang pasko. kaya sinulit ko na ang linggong ito.
monday
make up class slash christmas party ng film151 class under sir lino lino lino cayetano sa co-owned niyang vanilla bar at sgt. esguerra ave
masarap yung coffee and food kasi libre ni sir lino. teehee! kiddin aside, masarap talaga. had pressed coffee na kakaiba talaga. sarap! then for dinner, had fish fillet. ok siya. masarap din. siyempre yung ambience nung bar, ayus din! then nung gumabi-gabi na, dumating sila tanya, sol, chesca, myles, hermann, rex, tey tas yung isa pang co-owner ng bar, sheesh forgot his name, basta yung isa sa heads sa pinoy big brother, treated us red and white wines! aina and i finished the bottle of red wine and i got lil tipsy.
it was already 11 when dimples decided that we should go to the human ad board launching at crowne plaza, marami daw potential sponsors for our event. so flyzoom kami nila dimples, aina, and lamer sa ortigas at pagdating naman namin sa crowne plaza ay tapos na ang event. ang nadatnan na lang namin ay ang isang buffet table. yez! buffet table! kaya lamon nanaman to death ng cakes at kape until mag-sober up. then nagroadtrip around the fort and makati with jayjay, then headed to sbc katips before jayjay dropped dimples and me off at teachers' vill.
tuesday
UP CE acquaintance and christmas party at kublai's sa katips.
bilang aplikante sa org, i went there, got introduced to some mems: judy... lorrie... karen... jiro... (yikes, konti pa lang!) some co-apps too, and met some acquaintances and friends from high school. ok naman siya. the mems were so fun. ang kulet nila. hoping for some more time with them next year.
i left after the charades game and flyzoom naman sa isa pang party. this time birthday naman ni lamer. made libre 5 pitchers of zombie sa cantina. woohoo! pero when i arrived, 2 pitchers na lang may laman. hehe. pero ayos lang. had 3 glasses pero walang tama unlike the previous night's red winescapade. hehe.
had plans pa to go with tanya and sol sa something fishy in libis. but unfortunately had to go home to attend to super lasing adi. hehe.
wednesday
CINEASTES CHRISTMAS PARTY at sanya's home in cainta.
super delicious ng pastaaaaaaaa!
fun pa rin ang exchange gift kahit maraming hindi nakapunta para ibigay at tanggapin ang kanya-kanyang gifts. but na lang, nandun yung nakabunot sa'kin! si klek! hankyut nung gift niya sakin!!! salamat klek!!!
nagcharades galore at pinoy henyo to death hanggang nagsawa at nagsialisan na kami while others opted to spend the night there.
tricia and i dropped by starbucks katips pa for midnight tea and met up with jayef and jenny. kwentuhan-kwentuhan hanggang nilapitan na kami ng attendant at pinapalayas na kami dahil sarang-sara na sila to death. so cge, no choice, umalis na nga kami ng sbux.
thursday
lantern parade!!! was with Cineastes and the masscommers.
ang fun ng parade. haha! naka-pink siya.
yun, as usual, eto nanaman yung panahon ng taon na gugustuhin mo nang magshift sa FA. and can i just say? astig to the maximum oliveros level ang fireworks display this year???? grabe ah, halatang mahigpit na ipinatupad ang austerity measures! next time kaya, subukan nilang gumastos naman for fireworks! nyahahahahahahaha! nasuklian naman ang inabot kong stiff neck habang nanunuod ng fireworks ang pagka-amaze sa fireworks display. =) nice!
at 9pm, flyzoom sa libis with highschool friends: tricia, nard, joan, ran, enrico, and mavs. isang pagtitipid na dinner muna ang naganap sa mcdo bago pumunta sa ipanema. isang matindi at mahabang dispo check ang naganap hanggang marealize namin na sarado na pala ang ipanema at seattle's best.
at 2.30am, we met up with some UP ETCers: krystal, maien, mark, adrian, ron, sa school of economics. at bilang matataas ang energy level ng LAHAT, nag-dodgeball at nag-watchamacallit-logic games kami. yung "pupunta ako sa shoemart bibili ako ng" saka "pupunta ako sa concert, magdadala ako ng". at ang pamatay sa lahat ang game na mahigit sa isang oras nilaro hanggang magets ng lahat, "siya siya siya siya, sino siya?". alas-4 na, naglalakad na kami papuntang chapel para magsimbang gabi, at throughout ng simbang gabi, naglalaro pa rin nung "siya siya siya siya, sino siya?" game hanggang magets nila enrico ang pattern. harharharhar.
friday
tambay galore lang with joan and jayef sa seattle's best katips hanggang 3am, habang hinihintay sila jenny at tax from star city, bilang pagtatapos sa party mode ng linggong ito.
###
salamat sa lahat ng mga nakasama ko sa linggong ito! sobrang pinasaya nyo ang christmas ko this year.
MERRY CHRISTMAS!!!
hanggang sa muli nating pagkikita-kita at pagsasama-sama! hugs! mwah!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home