just don't let the sun go down on me

Friday, December 23, 2005

SOMA (state of the mind address)

it's the eve to Christmas Eve.

but a few hours ago, finally, i decided: IT IS CHRISTMAS TIME!!!

i now officialy feel the so called christmas spirit.

walang halong sarcasm o pagbibiro. oo, dama ko na nga ang pasko.

nakakatulong pala ang pagiging tulala sa mga parol sa labas ng bahay. nakakatulong pala ang pagamoy ng mga ginagawang hamon sa kabilang bahay. nakakatulong pala ang pagnuod sa discovery travel & living ng mga christmas specials nila. nakakatulong pala ang pagbati sa mga kakilala ng "merry krismas". nakakatulong pala ang green at red font color sa ym pagnagchachat. nakakatulong pala paglamon ng mga bigay na sweets ng mga kapitbahay. nakakatulong pala ang isang linggong parpaparty.

iba na nga ang pasko ngayon. ngayong malaki na ako. at ngayong panahon ng krisis (na tuwing pasko namang sinasabi ng karamihan). iba-ibang talaga nung bata pa ako. marami kasing natatanggap na regalo, binabalot na regalo, aginaldo, bagong damit, bagong sapatos, bagong laruan... hanggang sa loob ng bahay, punong-puno ng mga pinapalamig na order ng ham! tapos may mga nangangaroling sa bahay na mga bata, kahit mga officemates ng nanay ko noon. ah! pati pala UPSA nangaroling na dito samin noon.

pero ngayon, pasko para sa akin ay isa na lamang state of mind. kung bitter ka kasi wala na ngayon masyado o lahat nung mga nabanggit ko, hindi masaya pasko mo. pero kung hindi ka na bitter ayan, masaya na rin ang pasko mo.

contented nako na hanggang pagbati na lang ng merry krismas ang nabibigay kong regalo. ayus rin naman. sana! hehe.

state of mind... state of mind. hayyy... =)

merry krismas sa inyong lahat!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home