just don't let the sun go down on me

Friday, October 14, 2005

bookworm? ako?

i am so proud of myself

well, lagi naman. hehehe.

what i REALLY mean to say is that, for this week, i am so proud of myself dahil natapos kong basahin ang isang libro na wala naman sa plano kong basahin at tapusin, again, that's for this week lang. hehehe. well, actually, i am proud na nakatapos akong magbasa ng libro in two days. at ang librong ito ay Ang Paboritong Libro ni Hudas ni Bob Ong. Oo, yung maliit na itim na libro. 'Yun 'yon.

hindi naman kasi ako talaga pala-basa. madali kasi akong antukin pagnagbabasa. ito yung mga nabasa kong libro at nobela nung highschool. A Walk To Remember ni Nicholas Sparks, isang linggo. A Bend in the Road, Nicholas Sparks ulit, hmm, mga one week din. The Notebook, Sparks ulit, mga ilang linggo. The Rescue, Sparks ulit, hindi ko pa natatapos, at nakalimutan ko na. Harry Potter 2 at 3, JK Rowling, mga one to two months. HP 4, hindi ko na rin natapos. Same goes to HP 5, ilang chapters pa lang nababasa ko. 'yung mga assigned na nobela nung 4th year high school ako, hindi ko talaga natapos basahin. isang milagro na lang kung paano ako nakapag-pasa ng book reports. ay teka, yung Without Seeing the Dawn, Stevan Javellana, 'yun lang 'yung natapos ko. at nagustuhan ko.

pero eto lang: hindi ako mahilig magbasa ng libro.

may bias nga lang ako kay Nicholas Sparks kung bakit ko binabasa mga libro niya. hay... highschool kasi. mga panahong nadidiscover ang mga romance novels. ahehehe.

gusto ko 'yung mga fast read na storybooks. tulad ng Fruitcake ng Eraserheads--oo! libro 'yan! story book 'yan! seryoso-- at ng The Giving Tree ni Shell Silverstein.

pero after kong mabasa yung Paboritong Libro ni Hudas, parang biglang gusto kong gawing tambayan ang Powerbooks. bookworm? ako? hmm... parang gusto ko nga. for a change. ang sarap din pala magbasa. in fairness naman kasi sa Libro ni Hudas, may mga napulot akong bago in life. at nakakaaliw siya. hmmm... oo. gusto ko nang magbasa ng libro.

yes yes yes. mabuting pampalipas ng oras ngayong sembreak. para hindi naman ako puro linis lang ng bahay. ahahaha.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home