haggard days (too!) are here again
contrary to my previous post, yes, haggard days are here again.
ito yung time of the sem na kung saan lahat ng estudyante ay nagbabalik-loob bilang mga estudyante. at kasama ako sa mga 'yun. mapait mang tanggapin, kailangan. dahil 'yun ang totoo. kahit anong mangyari, estudyante pa rin (pala) ako.
kaya heto, sa isang linggong nalalabi para sa sem na ito, ako ay magiging fulltime student... gagawin ang mga requirementsSsSsSsS at papersSsSsSsS na nakaatas sa'king gawin.
kaya't sinisimulan ko na sa subject na Film121 o Scriptwriting 1... kung saan kinakailangang maipasa ko sa friday, september 30, ang isang FULL-LENGTH SCRIPT.
hayyy. ngayon ay paulit-ulit sa utak ko ang boses ni Kacey na nagsasabing "ibigay mo ang best mo". kaya naman, binibigay ko talaga ang best ko sa script na ito.
hanggang dito na muna dahil hindi na rin ako pinapahintulutan ng haggardness na magtagal pa sa pagbablog.
hanggang sa susunod na araw ng pagiging haggard, naway makayanan ko pa. oo, kakayanin ko! para sa grades ko at siyempre, para sa GCC, ang exclusive at imaginary org ng block namin.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home