do i still want to drive?
oo, hindi ako marunong magdrive ng sasakyan.
malamang, parusa sa akin ito ngayon. noon kasi, gustong-gusto nila akong turuan magdrive pero ayaw na ayaw ko naman matuto.
ang weird no? pero may dahilan kasi.
kung ikaw ay lumaki sa isang pamilyang may sariling negosyo at nagkataong ang negosyo na yun ay kumukita sa pagdedeliver ng mga produktong ninyo, gusto mo bang matutong magdrive para mautusan kang magdeliver?
eh sa katamaran ko, ayoko. no way. uh-uh.
ngunit ngayon, tatlong taon na akong namamasahe papuntang school at pauwi. at iba't-ibang kwentong commuter na ang pwede kong i-story tell. ang malasing hindi umabot sa last trip ng MRT, ang makipagdiskusyon sa driver na mahal sumingil, ang mahulugan ng cellphone sa taxi, ang makulangan ng pamasahe, ang maghintay ng kalahati hanggang isang oras sa bicutan interchange sa ilalim ng matinding sikat ng araw para sa airconditioned bus na one in a billion, at kung anu-ano pa.
nakakastress ng sobra ang magcommute. at pag nagcocommute, hindi ka pa nakakalayo ng bahay, parang gusto mong umuwi na at maligo ulit.
kaya naisip kong, sayang, kung marunong lang akong magdrive. .. hay...
pero siyempre, traffic naman ang kalaban ko. pero at least, dahil aircon ang kotse, hindi naman ako pagpapawisan nang tulad sa pag nagcocommute.
at ngayong nagtaas nanaman ang pamasahe, at ang bantang palagiang pagtaas ng presyo ng krudo, alin pa kaya ang mas gugustuhin ko?
magcommute o magdrive?
haynako. magdrive na lang. basta basta basta.
2 Comments:
Hahahahahha!
Well yeah, may point ka. Ako I so love driving now. Pero kung ako nga ang nasa posisyon mo, magdadalawang-isip ako.
-Kriz
Wednesday, July 06, 2005 11:07:00 PM
ahahaha. napagisipisip ko din... pag magdrive ako, dagdag lang ako sa sikip ng kalsada, dagdag sa polusyon, ubos alowans ang gas, stress pag traffic, etc.
pero kahit na no!
at least, pagdating mo sa skul o sa kung saan man, fresh ka pa rin noh (that is kung gumagana ang aircon) ahehehe
thanks so much kriz!
Wednesday, July 06, 2005 11:17:00 PM
Post a Comment
<< Home